April 06, 2014

Wow after a long years nabuksan ko rin ang FRN. Medyo inaamag na yata ako sa pagkukumpuni dahil sa mga bagay-bagay na pinagkakaabalahan ko. Ang hirap din kasi minsan pagsabayin ang nakahiligan nating gawin at ang daily life na hindi na yata matatapos. But anyway gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng tumatangkilik at patuloy na sumusuporta sa FRN. Pagpasensiyahan niyo na po at ngayon pa lang na-update yung kay Giovanni Alarcon – (Chapter 10) ni Budjoy. Kapag natapos ang aking pinaka importanteng pinagkakaabalan (Uy! secret ayaw pang sabihin hahaha… ano kaya yon?) basta ay itutuloy-tuloy ko ang pag-u-update dito. god bless everyone!

 FRN ADMIN

 

August 11, 2012

Elin pursed her lips. Seeing that Janine wouldn’t let it go until she confesses up, pinag-isipan niyang mabuti ang sasabihin at kung paano magsisimula. Two days it had been sitting on her mind. It’s worth the risk than not trying. It’s now or never.

“I’ll compromise. If it’s not too late, that is.”

“Compromise what?” ang nakakunot ang noong tanong ni Janine.

Lumunok muna si Elin bago niya bigkasin ang mga kahindik-hindik na salita sa kaniyang pandinig. “Kenneth. I need him to pose as a fake boyfriend.”

Janine just looked at her in shocked surprise as if she’d grown another head. “You can’t mean… you can’t mean…” ang hindi maituloy-tuloy nitong masabi.

Hindi na napigilang maikuwento ni Elin ang naging pagtawag ng kaniyang Tita Rosalie.

At kakaibang sigla at ngiti ang idinulot noon kay Janine pagkatapos. “Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.”

“In other words?”

“Plastic kayong dalawa sa feelings niyo para sa isa’t isa.”

Gustong takpan ni Elin ang magkabilaang niyang mga tainga. “Kung maibabalik ko lang ang ikot ng mundo, I wish it was that guy who was stalking me noong GLOBEX.”

Tumawa ng malakas si Janine.

Kumunot ang noo ni Elin. It seems like Janine’s having the time of her life because of the situation.

“Friendly advice, don’t hope on that guy anymore. There’s no telling when he’ll show up before your family reunion.”

“If two individuals are meant for each other, fate and destiny has its way of bringing them together.”

Lalong tumawa si Janine. “Komedyante ka na pala ngayon! Ha, ha, ha!”

an excerpt from FALLIN’ for YOU

Ms. JAINE CARWIN

October 29, 2011

SAYONARA, Beirut!!! ITTERASHAI, Dubai!!!

Time for parting has come… and yes… it’s official… babalik na po ang inyong lingkod sa Dubai.
Kahit sandali lang po ako dito sa Beirut ay marami naman pong magagandang ala-ala ang babaunin ko pagbalik sa Dubai. Hindi ko maipagpapalit ang experience ko dito sa kahit na ano pa mang bagay…

Kaya po mga dear readers and fellow writers… sa paglisan ko po sa Beirut, Lebanon babaunin ko ang mga memorya ni Stacey at Johannes na siyang magiging bida sa akin pong special presentation.

At hindi na po What Matters Most ang pagiging pamagat nito kundi CAN’T WE TRY… tatapusin ko po sa Dubai ang nasimulan ko po dito sa Beirut…

Ms. JAINE CARWIN

 

October 21, 2011

KONBANWA, Beirut!!!

Bad… bad… bad… news… kasi matatapos na ang mission work ko sa bansang ito… never expected na mapapaaga ang six months to one and a half year na kontrata ko dito… mukhang mauudlot ang skiing spree namin ng aking matalik na kaibigan sa buwan ng Disyembre… kaya nga kami pumayag pumunta dito kasi may… snow? hahaha… ano ba’ng reason iyon? tama ba iyon? adik…

sad… sad… sad… to be leaving this country dahil kailangan pong bumalik ng inyong lingkod sa UAE dahil ipinatatawag po ako ng aming punung-himpilan doon para sa isang mas matinding challenge kaugnay ng aking tunay na trabaho…

pero… pero… pero… hindi naman po ako babalik na walang magandang ala-alang babaunin… sa katunayan po ay na-in-love po ako sa bansang ito sa tatlong buwan at mahigit na pamamalagi ko dito… sa araw-araw na ako po ay papasok sa at uuwi galing sa trabaho… mga bulubunduking tanawin ang aking nakikita, nature sceneries na hindi mo mapapagsawaan… sunset by the window ang laging drama ko sa tuwing uuwi ako at nagpapalipas ng takip-silim…

at… at… at… sa lahat po ng iyan… aaminin ko po sa inyo na bukod po sa na-in love ako sa bansang ito… ako po ay na-in-love rin sa isang tao… too bad… hindi po kami magkakatuluyan ng personal…

kaya… kaya… kaya… sa pag-alis ko po sa bansang ito… babaunin ko po ang mga matatamis at magagandang ala-ala na iyon at itutuloy ko ang umusbong na pag-ibig sa katauhan nina STACEY at JOHANNES…

subaybayan po ninyo ang natatangi kong handog para po sa inyong lahat…

WHAT MATTERS MOST (Stacey and Johannes)

Ms. JAINE CARWIN

 

October 2, 2011

Ohaiyo, Beirut!!!

Napadaan lang po ako para mangulit sa site ng FRN… sulit naman po ang matagal na paghihintay nating lahat dahil double surprises ang handog ni FRN Admin… hindi na rin masama, hindi ba kasi ang tagal-tagal na… hahaha…

Peace FRN Admin… i miss you… i love you… mwahugz…

Anyway guys and girls… read na po tayo ng ating mga favorite romance stories… maiwan ko muna kayo at tinatawag na po ang aking flight number… hehehe…

Keep reading and more power to all of you…

Ms. JAINE CARWIN

 

October 2, 2011

Dear Reader and Writer,

Pasensiya na po sa aking super late posting. Alam kong marami sa inyo ang nainip at marami rin ang wa-paki. Magkagayun paman ay ipinagpapasalamat ko sa inyo ang pang-I-spoiled niyo sa akin… at dahil diyan ay kayo naman ang I-spoiled ko dahil double trouble ang mga chapter natin… Hay kaloka ang week na ito dahil marami akong project na on the go palagi, tulad ng pagpasok sa school. Mantakin niyo guys walang tumanggap sa akin sa work. Hindi ko naman sila masisi dahil ano ba ang mapapala nila sa akin kundi ang pagsaktan lang sila ng tiyan dahil sa kakatawa. I advice huwag po kayong gagaya sa akin dahil makakasama iyan sa inyong health. Babait kayo at ang tuloy niyo ay sa mental. Bago ang lahat ng kadaldalang ito iwawaksi ko na ang katotohanang ikatutuwa ninyo. Tulad sa naipangako kong 2 chapter each sa mga novel na on the go may kasama pa itong review ever…. Handa na ba ang mga kilikili niyo? Etse!!! What I mean is handa na ba ang mga alipunga sa paa sa pakikinig… ayan pasensiya na sa kaokrayan ano… pinapasaya ko lang ang weekend niyo dahil masyado na tayong nagiging seryoso sa buhay namamaga na tuloy ang mga mata natin kakabasa ng romance novel tulad ko…

First review… Dahil Sa Iyo by Reiha Rhei

Mahilig ba kayo sa action? Kung oo ang sagot mo suwak ang nobelang ito para sayo… Hindi lang iyon, mas ikinatutuwa ko ang malalim na tagalog na ginagamit ni Rheiha Rhei. Iyong tipong nasa panahon ako nina Jose Rizal ngunit modern time pa rin… Gusto kong alamin ninyo kung sino ba itong nagpapabagabag kay Mina ng halikan siya nitong mistoryosong nakamaskarang bida… Awww napula ang sakong ko sa paa hahaha…. Hay nako kaloka hindi naman naging review ang nangyari sa kwento ko dito kundi ikinukwento ko na yata sa inyo… Pero sige continue to the max ang inyong lola Basyang Admin… About pala kay Rheiha Rhei, Hindi ko pa siya naipapakilala sa inyo dahil isa siyang busy na tao na minsan ko na lamang din makakuwentuhan. Alam niyo naman ang earth hindi basta-basta iinog lang at titigil para sa atin… Pero isa lang ang masasabi ko Reiha is one of FRN writers that you can always count on dahil fully engage ito sa pagkahilig sa pagsusulat ng novel….

Second review… Crazy Love Of Mine by Jaine Carwin

Na crazy na ba kayo minsan sa isang taong minsan akala niyo siya na pala? Pero hindi naman pala siya kundi iyong taong nariyan na pala hindi lang natin minsan napapansin o pinapansin? Ay haba ng question ano??? Kalurkey nakakakulot ng buhok sa kilikili…. Hashanah… Itong novel ni Ms. Jaine Carwin ang daming twist at very unexpected… But at the same time I like Dennis for being so strong at pigil sa pananapak sa kanyang katabi… Kawawa naman si Carol at nabaling sa adobo ni Kyle ang atensiyones ni Dennis… bigla tuloy ako sa adobo luto ni Kyle grabe…. Ay siya bawal magkuwento at pure review lang at kaokrayan lang ang dapat naririto… Basta this novel captured my heart at tiyak na kayo rin… Nye! Ano ito Kodak na-captured with matching post sabay share sa facebook… At tungkol naman kay Ms. Jaine Carwin sa mga readers na hindi pa nakakakilala sa kanya… Kasundo ko ito dahil Kat kayo ko ito sa lahat ng obstacle na dinaraanan ko bilang Admin, kaibigan, co-writer, kaokrayan at lahat-lahat na. Sa lahat ng saya at problema ng FRN ito ang taong gusto niyong I-keep sa bulsa malapit sa dibdib niyo dahil super protective at faitful ito sa lahat ng nagiging kaibigan niya… Kaya im one of those lucky ones ika nga nila… Ay ayoko na serious na ito e… Basta kapag nabasa niyo iyong nobela niya na favorite ko na si fafa Maynard wala na akong masasabi dahil kayo na ang mismong manghuhusga kung kaya niyo ba ang bigat ng ng nobelang iyon….

Third review… Pakisabi na lang na mahal ko siya at Promise I Love You (Lovers in Island of No Return) by Vida La Bana

Kapag ba kayo may mahal ipinapasabi niyo ba sa kaibigan niyo na hoy sabihin mo nga sa kanya na love ko siya… Pero deep inside mohal mo rin ang love niya? Nangyari na ba iyon sa inyo? Nako itong novel na ito kahit paulit-ulit niyong basahin ay hindi kayo magsasawa…. Mapapagod lang kayo sa haba ng title hahaha…. Hihingalin kayo dahil kinalyo ang kamay ko sa pagtipa ng mahabang title nito hahaha… Back to the story…. Vanny is never a week heroine ha infairness kahit may pagka-a-anga-anga. Hindi ako nagsasawa na magbasa ng maid and boss romance novel… Kasi para siyang si Cinderella na inalila bago natagpuan ni prince charming…

At kayo ba mangangako ba kayo ng pag-ibig sa isang islang no where to be found…. But the story didn’t go that way ha… Im just giving you guys a question… Katuwaan lang para walang kabagutan ang mahabang NEWS na ito… Noong binasa ko ang novel na ito at hanggang ngayon ha naaalala ko pa iyong feeling na baka may mangkukulam sa isla or evil churva… iyon ang naisip ko kaagad. Bigay kayo ng feedback sa mga novel ni Vida La Bana… We cant wait to hear anything you from guys…. Ako sa sobrang dami kong feedback baka sawa na siyang makinig… About kay Vida, minsan lang kami nakapag-usap at alam ko na isa siyang milking milking talent…. Kaya noong nabasa ko ang novel niya post kaagad…. Dapat hindi ito mamiss ng readers. Isa ako sa fan at electric fan na makulit na magpapahaging at mangungulit for the next chapter at next novel mula dito kay Vida…. Ehem…. Tumalab kaya ang pagpaparinig ko… ehem ehem ehem… new novel ulit… Kaya readers and writers kindly try to check Vidas’ work… Youll never regret anything and you’ll surely fall inlove on each one of those…

FRN Admin

——————————————————————————————————————————————-

September 5, 2011

Waaah… ang tagal kong absent, as usual ay marami akong activities kaya naman marami din dapat akong sorpresa sa ating mga readers. Sapagkat kung hindi ay baka balatan niyo na ako ng buhay.

Ano kayang surprise iyon? Ah! Sige na assailing ko na para hindi na kayo matulad sa akin na nasasabik.

Una sa lahat ay may mga bago po tayong novel. Ito po ay hadog nina Jaine Carwin at Vida La Bana.

Ayon kay Ms. Jaine Carwin na in-fair-ness, sosyal sa pagkakagawa ang novel niya dahil with matching architectural ang makikita niyo dito. Syempre pa hindi na ako nagtakang marami ang tatangkilik sa Series na inihahandog niya sa atin. Ito ay ang CRAZY LOVE OF MINE. Susmeyo mga readers at fanatic ni Ms. JC ha… please lang huwag pong tutulo ang laway niyo sa pagbabasa nito. Siguraduhing may hawak na kayong panyo diyan. Excited ako sapagkat ang tagal ng nai-share sa akin ni Ms. JC ang series na ito kaya’t nang ipaalala niya sa akin na “Hoy hindi na me mapapakapormal e tawa ako ng tawa…” Eh bakit po ano? Kahiya-hiya man sabihin ay ang tagal na po kasi nitong complete at itong nalusaw na brain ng inyong admin ay nakaligtaang hanapin sa box ang nobela… ay sorry guys… next time talaga ay huwag na nga kayong ma-shy na ipaalala sa akin. Sa busy kong ito ay sige kulitin niyo ako… I love you Ms. JC the bestttttt ka talaga sa pagsusulat…. More more more series to come… Tiyak din guys na mababaliw kayo sa mga part na may kakulitan kadramahan at kakilig-kilig na moment.

Oh wait meron pa tayong isa pang umaatikabong na writer, si Vida La Bana… Super twist to the max ang novel nito e… PAKI SABI NA LANG NA MAHAL KO SIYA… susmarya hiningal ako sa pagkakahaba ng title… hehehe. Pero sasabihin ko sa inyo na hindi kayo magsisisi na subaybayan ang nobelang ito… Para tong another version ni Ms. JC… Talented din at magaling. Idagdag pa ang una niya pang lathala dito sa FRN… dan dan dan ang PROMISE I LOVE YOU (LOVERS IN THE ISLAND OF NO RETURN). Ayan diyoske…. Maiihi ako sa mas pinakamahabang novel nito… Naka post na ang lahat ng ito sa site kaya pili na kayo ng mababasa ha…

Pero teka meron pang mga novel na ngayon ay tapos na rin sa wakas… Ang THE NECKLACE ni Lady Phoenix… One time may nabasa ako sa FB niya sana po ay supporthan niyo po ang novel niya at iboto… Good luck sa iyo Ms. LP

Hindi pa dito nagwawakas ang kadaldalan ko ha… Ito pa si Budjoy, sa mga nagtatanong at nagwawala dahil wala pang kasunod ang novel ay ito na meron na… Meron ng kasunod ang Giovanni Alarcon… Hoy Budjoy pa series-series ka pa ha… kayong dalawa ni Ms. JC siguraduhin na huwag pasaway… pag-uuntugin ko kayong dalawa e… Hahaha biro lang…

Sige na ang haba na nito baka maging nobela pa ang NEWS ng di oras… Pasensiya na guys I’m sure baka di niyo na tinapos ang pagbabasa sa haba at nagbasa na lang kayo ng mga bago at nasundan na novel…

Have fun and enjoy!!!!

FRN Admin

——————————————————————————————————————————————-

September 5, 2011

Heads up guys… Ito po ang mga list na inyong puwedeng abangan dito sa FRN…

Upcoming novel by Budjoy

– Twin Club Series 5 (Sydney Alarcon)

– Bituing Sinapawan Ng NingNing

Upcoming Series by Jaine Carwin

-CLOM Book 2 (Gerard and Maxzene)

-CLOM Book 3 (Angelo and Cherry)

-CLOM Book 4 (Kyle and Gerard)

– Take Me To Your Heart Book 1

– Take Me To Your Heart Book 2 (will be featured in Dubai Diaries)

Dubai Diaries

– Nobody But You

Other Independent Titles:

– You Should Know By Now (Rham and Annie)

Upcoming novel by Zhena Ferran

– Make It Real

– Be Near Me

– Keep On Loving You

Upcoming Novel by Vida La Bana

– Pakisabi Na Lang Na Mahal Ko Siya

——————————————————————————————————————————————-

September 3, 2011

Shucks! Ang bad kong Admin… kung ano-anong balita ang ibinabalita ko sa inyo… May kaunting error lang akong gustong itama sa kahapong news. Ito po ay ang CLOM Series 1 ni Ms. Jaine Carwin. Ang novel cover na nai-post ko po yesterday ay ang Series 2 ng Crazy Love Of Mine. Nais ko pong ipakita sa inyo ang unang series na ihahandog niya sa atin, coming soon po ito. Matagal siyang hindi nakapagparamdam sa atin dahil siya ay isang busy na tao. But definitely will make you beg for more sa kanyang mga lathala… Sa ibabang bahagi po nito ay nakapost po ang cover ng unang yugto ng CLOM. So huwag na po kayong mahiya, ayos lang na mag laway sa harap ng computer… Come on don’t be shy na… hahahaha Biro lang po…

At dahil hindi ko nai-post ang cover ng 2nd novel ni Vida La Bana yesterday—tulad ng naipinangako ko. Ito po ang dapat niyo pang isang pakaabangan… Very very very soon na ito dahil pagkatapos ko itong reviewhin ay isasalang ko na kaagad ito. I’m sure curious na kayo kung tungkol saan ang story. Ako rin babasahin ko pa siya at ipo-format para mas kaiga-igaya… Na-curious din ako e.

Hayyyy…. Love is in the air! Sa mga nagmamahal diyan… I’m wishing you guys a happy and fulfill and contentment life.

By the way… a short msg. for Ms. BLOSSOM, Don’t worry Giovanni will be on the way there… I’m working on it like a cow… Moo moo hahaha… We miss having you girl!

God bless everyone.

FRN Admin.

——————————————————————————————————————————————-

September 2, 2011

At dahil wala akong tulog kakadaldal sa isang writer ng FRN…. Hehehe alam na niya siguro kung sino siya—ngayon ko lang maipo-post ang aking NEWS. Humihingi ako ng paumanhin sa mga nag-aabang ng balita dito… tsk! Meron nga kaya?

So far po dahil may isang mahilig magbasa ng ating horror dito sa FRN, si (Anne24), may bago po kaming idinagdag. I hope ma-enjoy niyo po ito. Ang title po ay “MINANANG BAHAY.” Short story lang ito at magaan ang flow. For a change, FRN are now accepting all kind of variety of novels. Mas maganda ang idea na ito sapagkat marami ang mae-entertain ng husto.

Sa mga aabangan for future FREE as usual ay may bago kaagad ang bago nating writer na si Vida La Bana. Hindi ko pa po naaasikaso ang cover. Pero sure na makikita niyo kaagad ito dito sa site… Ako rin tulad niyo ay nasasabik ng mabasa ang mga susunod niya pang nobela.

Ooops… wait lang po…hindi pa po diyan nagtatapos ang aking news. Syempre pa Ms. Jaine Carwin offer us a new SERIES. Ito po ay ang Crazy Love Of Mine. Kapag nabasa ko po ito ng buong-buo, I will also give this novel a feed back. I’m sure hahanap-hanapin natin ang kasunod ng series ng CLOM…

——————————————————————————————————————————————-

September 1, 2011

Unfortunately ang dami ko ng naitipa dito ngayong araw na ito. Ang kaso po ay nadelete… tsk tsk tsk.

As i was saying before i forgot to save it, nag e-edit po ako ng nobela at isa lang po ang nagawa ko at nareview. I wish na sana ay magawa ko ito sa lahat ng novel dito sa FRN lalo pa ngayon na may libre akong oras. Ito nga po at inumaga na ako sa pagbabasa at pag-eedit. Una ko pong bibigyan ng verdict ang novel ni Vida La Bana.

I was astonist at her plot. Shes one of those few writer like Jaine Carwin pang realistic at totoong nangyayari sa buhay ang plot, Ces Adriano pang fantasy dadalhin ka sa mundong hindi mo pa na e-experience at iba pang writer ng FRN. na masasabi mong WOW ang galing naman. Di kasi lahat ng manunulat magaling gumawa ng novel at pulido ang plot. Though may mga tecnicality pa rin sa mga spelling pero naremedyuhan naman at hindi nabawasan ang paghanga ko. Hey it was her 1st submission here electronically… or maybe not… hahaha… Hindi po ako bias na tao at panay papuri lamang dito sa writer ng FRN ha. As a matter of fact i also read some novel at YSH. And one of my few favorite writer there is Ms. Garnet Hart. I’m lucky talaga that im one of those people na humanga at bumili ng ebook sa kanila. Di ba sabi nga nila kapag hinahangaan mo ang isang Auhor kahit gaano pa kamahal ang novel niya bibili’t bibili ka. Ganoon kasi ako ewan ko lang sa inyo. Sayang nga lamang at kaunti ang oras ko para mabasa ang ibang novel ng Author nila doon. But anyhow…

Back to my review about Lovers in the Island of No Return, masusorpresa kayo dahil medyo misteryoso ang island at mga tauhan. About sa hero at heroine, mahirap silang ikumpara sa ibang nobelang nabasa ko na. Hindi cheesy at hindi non sense ang takbo ng bawat karakter na ginawa ni Vida la Bana. Yung flow kapag nabasa mo na ang kabuuan, doon lang lumalabas ang “Aaaah wow kaya pala ganon sa chapter 1 or 2 etc. kasi ganito pala ang mangyayari sa chapter na ‘to.” Ito ang masasabi kong strong point sa nobela ng LITONR. Though may mga weaknesses like i wish may batuhan ng heavyg-gat dialogue. Pero sa una ko ngang nasabi hindi nakabawas dahil sa ganda ng flow ng plot. Very light at easy to read tamang-tama sa mga teenager. Korek nga siya ng sinabi sa akin sa facebook, they will surely like it… Kasi ako sa opinyon ko, i really really really like it at sana ay magustuhan niyo rin ang novel niya. Abangan niyo po ito sa Friday, Oh diba ang bongga malapit na.

Next time po ire-review ko ang ibang novel dito sa FRN para sa inyo. Para naman may pagbasehan kayo ng mga novel na gusto ninyong basahin… So pano ba iyan signing off na ulit ako… abangan niyo na lang ang kakulitan ko bukas. God bless guys!

FRN Admin

——————————————————————————————————————————————-

August 31, 2011

Sa muli ay heto nanaman ang inyong Admin, umaarangkada sa pagbibigay ng kaunting news. Nais ko palang i-share sa inyo ang “RESOURCES” na nakahanay sa FREE, AUTHORS, ALLIANCE, SHOP etc… Doon ay makakapagbasa po kayo ng libreng lesson mula sa amin. Ang kaunting tulong na ibinibigay namin ay upang lalo kayong gumaling sa pagsusulat at lalong sipagin. Awwww kahit alam kong magaling na kayo e dagdag kaalaman lang po…. Ika nga nila, Rome was not build in one day. Kailangan din nating mag-aral ng lesson at hasain ang ating talento para mas lalo tayong gumaling sa pagsusulat. Idagdag pa ang tiyaga at puhunan at pagsusumikap hanggang sa makabuo di ba? Hindi naman isang araw publish writer ka na ng wala man lang nakuhang ideya kung paano gumawa ng maigsi o mahabang istorya. Kaya heto sabayan niyo kami at ang iba.

At siya nga po pala ON GOING pa iyong iba kaya hindi niyo pa mababasa. Bisi-bisita lang kayo palagi para makapagbasa ng info tungkol doon.

Ayt! Enjoy writing guys and good luck…

FRN Admin

——————————————————————————————————————————————-

August 30, 2011

Hi everyone, siguro ay nasasabik na kayong malaman kung ano ang bago sa FRN?

Sa ngayon po ay limited ang mga novels dahil busy ang ating mga authors sa kani-kanilang trabaho, schools etc. Higit pa po roon ay pinagsusumikapan namin na matapos ang project na ilalaan namin sa inyo upang mas lalong kaiga-igaya ang inyong pagbabasa. Ngunit huwag mabahala mga readers and supporters. Patuloy pa rin ang FRN sa pagtanggap ng mga MS ng ating mga serious writer kagaya na lamang ng ating bagong-bagong author na si Vida La Bana. Ang una niyang nobelang ihahandog sa atin ngayong darating na friday, ang … “Promise, I Love You (Lovers in the Island of No Return)”. Makikita niyo ang pabalat ng kanyang nobela sa bahaging ibaba ng ating NEWS ngayong August 30, 2011. Tiyak na kikiligin kayo ng husto sa nobelang pinagtatambalang puso ni Amadeus Guzman at Devine Del Rio.

Muli nagpapasalamat ang FRN sa lahat ng ating mga writers na siyang nagpapasaya sa ating mga readers at welcome to Vida La Bana. A warm welcome from us. Thank you guys and have fun!!! 🙂

FRN Admin

A short dedication from Vida La Bana:

Dedication

Itong first novel ko (na napublish electronically) ay inihahandog ko sa lahat ng mga mambabasa ng FRN at sa lahat ng mga kaibigan kong naniniwalang may “and they lived happily ever after” sa bawat isang pusong in-love. I dedicate this piece to my friends Michelle Sabilao, Lito Amit, Bravo Cruda at sa lahat ng BSED batch 2007. I also dedicate this story to my workmates lalo na kay Arriane Macklin, Yani Blandina, Arvie Salvador and to all the gossip girls on the floor. And of course, to my La Bana sisters: Ate Marlyn, Ate Raquel and Rea. My next story will be dedicated to my dearest friends na hindi ko namention dito, hehehe. Enjoy reading.

——————————————————————————————————————————————-

August 30, 2011

What the heck FRN bakit naman wala pang teaser ang mga aabangan at saka kailan po ito ilalabas?

Guys guys guys… I know na ang tagal naming nawala sa paningin niyo. At higit sa lahat nagtataka marahil kayo bakit nasa wordpress ang frn at anong nangyari. Sasagutin ko iyang mga katanungan niyo ng paisa-isa sapagkat alam kong marami ang nagtatampo at hindi ako nakapagpaalam ng matino. Aba akalain niyo yon… kailan pa tumino si Admin? hahaha… Pasaway talaga di ba… Pero may mga personal things lang po kasi ako na inaayos magpahanggang sa ngayon ngunit hindi ko pa rin naman ipinagsawalang bahala ang FRN. Malapit sa puso ko ang site na ito. Kahit nawala ako ng panadalian o kung natagalan ay humihingi po ako ng paumanhin sa inyo. Babalik pa ba sa dati ang site? Opo, babalik ito sa dati. Kailan? ahhh pwedeng secret muna… kasi po di ko pa po sure ang go signal ng aking bulsa… hahaha… Nako nabuking ba ang inyong Admin… Yeah, I’m financially broke. Hindi naman totally butas na butas ang bulsa. Kung baga minsan kasi sa buhay natin kailangan nating mag-invest para sa future may madudukot in time of needs. gets ba gets? Pero sure po na ibabalik ko sa dati ang site. Pansamantala lang po ito. Pero natuklasan ko rin na masaya rin pala ang blogging, try niyo.

Bago ko pala makalimutan… advance advertisement itong cover nina Budjoy at Zhena Ferran para sa FREE kaya wala pang teaser. Hintayin niyo na lang po next time ang susunod kong news para sa FRN kung kailan magsisimula ang dalawang novel….

FRN Admin

October 2, 2011